Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kong masisiyahan ba sa magandang balita na iyon o hindi. Siguro kung walang nangyaring ganito sa kanilang dalawa ng kanyang asawa siguradong magiging pinakamasaya silang dalawa. Dahil sa napakaagang blessings na ibinigay sa kanila ni Lord. Kaya lang nangyari ang ganitong sakuna sa kanilang dalawa. Hindi niya maiwasan ang hindi magtanong kung bakit sa kanila pa nangyari ang bagay na iyon. Kung bakit nabangga sila samantalang napakaingat naman ng kanyang asawa sa pagmamaneho. Dapat sana napakasaya nila sa araw na iyon dahil honeymoon nila pero heto at nasa ospital silang dalawa at si Jarred hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanyang asawa. Pero sobra sobra siyang natatakot para sa kaligtasan nito, paano na lamang kung mapahamak ito,

