THE silence is too loud. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan hanggang sa narinig ko ulit ang sarili kong paghinga habang ramdam ko ang pangangatog ng mga kamay ko. Kinuyom ko iyon. Hindi ko inaalis ang matatalim kong pagkakatitig sa demonyo. Hindi s’ya nakapagsalita. Hindi n’ya lang pinapahalata pero nagulantang s’ya sa ginawa ko. Naghihintay lang ako ng tugon n’ya sa ‘kin pero naka-tikom ang kan'yang bibig. Mas inuna n’yang igalaw ang kaliwang kamay saka kaswal na pinagpag ang kanan n’yang braso. Inalis n’ya rin ang suot na de-gradong salamin na parang natalsikan pa ng kape. Nilapag n’ya lang iyon sa ibabaw ng office table. Kung gaano kainit ang tubig na sinaboy sa ‘kin, sinigurado ko kaninang kasing init din no’n pero bakit parang hindi man lang s’ya nasaktan sa ginawa ko? Ni

