HINDI na ako nag-salita pa. Buti naman at hindi n’ya ako iniwan dito. Kung sa bagay, maliligaw pa rin s’ya kung sinubukan n’ya talagang layasan ako. Lumipas ang mahaba-habang minuto, dumating na ulit ang gurang. Pinagmasdan ko s’yang pinagdidikit ang mga sanga na iyon sa lupa. “Parang ang tigas namang humiga riyan,” mahinang usal ko. “Puwedeng-puwede kang matulog sa lupa para mangangati ka bukas ng umaga,” tugon n’ya sa ‘kin. Kung titigan s’ya ng maigi, habang naka side view s’ya sa panigin ko, wala talagang bakas ng kapaguran sa gurang na ‘to. Ang dami-dami n’ya namang reserbang energy. Lupaypay na nga ako ngayon. Siguro dahil hindi pa ako nakapag day off simula noong nag trabaho ako sa vacation house. “Paano mo pala naputol ang mga sangang ‘yan?” Saglit s’yang tumigil saka binal

