PASIKRETO ko na lang na nilulunok ang sarili kong laway. Akala ko may idadagdag pa s’yang sasabihin pero ilang segundo lang ang lumipas, tumalikod na sa ‘kin ang demonyo at mabilis na humakbang paalis sa harapan ko. Para akong pinako sa aking kinatatayuan. I can’t move any muscles. Pinakinggan ko na lang ang ugong ng tunog ng leather shoes n’ya. Palayo ‘yon ng palayo hanggang sa narinig kong bumukas ang pintuan nitong kusina at bahagya pang napa-igtad ang katawan ko dahil bigla-bigla n’ya lang sinara ng may halong sama ng loob. Parang masisira yata ang pinto sa lakas ng pag-sara n’ya. Nang hindi ko na maramdaman ang presens’ya n’ya rito sa loob, doon ko pa lang pinakawalan ang sunod-sunod kong hininga. I felt suffocated. Para n’ya akong sinasakal kanina pa. Napa-hawak na lang ako sa

