I THINK I heard that name somewhere else before. Familiar sa pandinig ko ang last name ng boss namin. Hindi lang ako sure kung saan ko ‘yon nahagilap pero hindi na importante ‘yon. Mag-f-focus na ako sa bago kong work kahit nararamdaman kong parang ang creepy ng lugar na ‘to. I don’t like the ambiance here. Med'yo nakakakilabot lang sa feeling. Parang nakaka-attract ng negative energy. Huminga na lang ako ng malalim. Mas’yado pang maaga para mang-husga. “I got it, sumusunod naman po ako sa rules. May tiwala kasi ako kay Sir Harold na marangal itong trabahong binigay sa ‘kin.” Napa-ngiti ang lalakeng caretaker. “I know him. He is my old friend. We still hang out sometimes so you have nothing to worry about,” makahulugang sambit n’ya sa ‘kin. Wala talaga akong dapat ipagalala. Pasok lan

