“Anyway, problema na ‘yon ni Gideo. 10 years old na ang anak mo so… lumaking walang ama. I wish him luck in the future because your son... look at this beautiful boy… He seemed very upset,” makahulugang sambit ni madame habang naka-ngiting tinititigan ang anak ko. Kanina n’ya pa kasi minamatyagan si Devillion na bad mood talaga ngayon. “Pagpasensyahan n’yo na po. Med’yo unfriendly kasi ang anak ko…” sabi ko na lang habang natatawa ng hilaw. “No worries. Kids don’t like strangers,” kaswal na tugon ni Madame. “Basta’t masaya akong nakilala si Devillion and… thanks for approaching me for this.” “Ako dapat ang magpasalamat, madame.” Hindi mas’yadong tumagal ang usapan namin ni Madame Anghelina dahil baka darating na si Boss Kruger sa vacation house. Binigay ko sa kan’ya ang contact numb

