“At s’ya nga pala, ang sabi ng magandang asawa ni Boss Kruger, bukas pa raw magsisimula ang online class ni Devillion. Bale, may binigay daw si Madame na laptop sa teacher at isa pang laptop rito para kay Devillion para maka-sabay ang inaanak ko sa lecture nila.” Iyan ang sinabi n’ya bago sinara ang pinto. “Ihahatid muna kita sa 3rd floor. Nandoon ang mga kuwarto.” Sumangayon na lang ako sa sinabi ni Jessie. Inakyat namin ang kaliwang hagdan. Pinasok ang pangalawang kuwarto. S’ya na ang dahan-dahang nag-bukas ng pinto at kaagad kong nasilayan ang anak kong mahimbing na nakatulog habang naka-tagilid sa kaliwa. Balot na balot ng makapal na kumot. Pag-tingin ko sa sliding door, bahagya pang naka-bukas iyon at pumapasok ang lamig galing sa labas. “So ‘pa ‘no? Magluluto muna ako ng agaha

