NAIPINTA na agad sa pagmumukha n’ya kung paano s’ya na-offend at nainsulto sa sinabi ko. Kung tinataliman n’ya ang kan’yang mga mata para matitigan ako ng masama, puwes nilalabanan ko ang kan’yang tingin. I was staring at him with a cold expression written all over my face. Sa kan’ya ko lang ginamit ang ganitong tingin dahil pinabakat n’ya rin ang lahat ng kaugat-ugatan ko sa ulo. Fine, hindi maiwasang maisip n’yang hinahabol ko s’ya dahil nagkatagpo ang landas namin pero ‘yong ibabalik n’ya pa ang kadesperadahan ko kuno? Gago ba s’ya? Nagiisip ba 'to? Hindi nakapagsalita ang demonyo sa loob ng ilang mga segundo hanggang sa humakbang s’ya paatras. Inangat ang kaliwang naka-kuyom na kamao at nilapit iyon sa bunganga s’ya sabay matigas na tumikhim. Napa-tukod pa ang kanan n’yang

