NI hindi man lang s’ya nakaramdam na naman ng init. Pinagmasdan ko talaga s’ya kung paano n’ya alisin ang balat at direktahang kinagatan na halos mapasok n’ya na lahat sa bunganga. Napansin n’yang naka-masid ako sa kan’ya kaya kunot-noo n’ya akong binalingan ng tingin habang ngumunguya. “If you won’t eat that, ibigay mo na lang sa ‘kin.” “Nagugutom na nga ako kagabi pa tapos ibibigay ko pa sa ‘yo ‘to? Balatan mo na lang. Ang init-init pa kasi.” Inabot ko sa kan’ya ang stick. “Manipis lang ang balat sa palad ko. Ayaw ko nang mapaso," magalang na pagdadahilan ko. “Tsk.” Ngumiti ako ng malawak dahil kahit labag sa loob n’ya, kinuha pa rin ni gurang saka binalatan. Tuwang-tuwa ako habang naka-titig sa kan’ya. Napapasulyap na lang din ako sa kumukurba n’yang muscles sa mga braso pati n

