DEVILLAINE ROMO FIACRA PAG-SAPIT ng malamig na umaga, nagising ako sa tunog ng alarm clock. Namimigat pa ang mga mata ko pero dahan-dahan ko nang minulat. Ang kisame ang una kong nasilayan. Dahan-dahan akong napa-titig sa tabi ko at alam kong wala na si Gideo. He already woke up. Tumagos naman ang pagkakatitig ko sa kinaroroonan ng naka-buks na sliding door ng balcony. The gentle morning light filtered through the transparent white curtains. I can hear the soft hum of the ocean waves in the distance and I can feel and smell the light breeze. Sinubukan kong iginalaw ang aking katawan pero ngumiwi ako nang naramdaman ko ang pangmamanhid ng mga hita ko pati ang aking balakang. Mukhang masakit din yata ang likod ko. Paanong hindi sasakit kung halos mabali na sa dalawa ang spinal cord ko

