DEVILLAINE ROMO FIACRA BAHAGYANG nanlaki ang mga mata ko sa binanggit ng anak ko. Nakita kong saglit pa akong binalingan ng tingin ng tatay n’ya at binalik naman kaagad ang buong atens’yon kay Devillion. Parang mabibilaukan naman yata ako ng sarili kong laway. Hindi ko naman in-e-expect na ganoon ang hiling ng anak ko! “Y-Yeah. We will grant your wish but first, magpapakasal muna kami ng mama mo.” Hinawakan n’ya ang makabilang pisngi ni Devillion at nilapatan ng mabilis na halik sa noo. “Just wait, my son. We will be able to fulfill your wish… soon.” “How long will it take, papa?” Natawa si Gideo. Ako naman ‘tong umuusbong ang init sa magkabila kong mga pisngi. Napapaiwas tuloy ako ng tingin. “Basta mabibigyan ka rin namin ng kapatid ng mama mo.” Nag usap-usap lang ang mag-ama h

