WALA naman akong maalala sa usapan namin kanina na patutulugin ko ‘to. Papakainin ko lang s’ya at pagkatapos, puwede na akong bumalik sa kusina. “Nasabi ko na ba sa iyo na alas tres na ako ng madaling araw naka-idlip at nagising ng alas kuwarto y media?” Napa-focus ulit ang mga mata ko sa mukha ni Gurang. “Hindi pa pero sige, wala namang kaso sa ‘kin kung kakantahan kita pagkatapos kumain.” “I will brush my teeth first.” Um-oo na lang ako sa sinabi nya. Doon ko naman s’ya sinubuan ng sinubuan hanggang sa naubos na ‘yong pagkain n’ya. Dating gawi, habang inaayos ko ang pinagkainan ni Gurang, pumasok na s’ya sa banyo pero hindi na nagpatulong sa ‘kin. Nang mailabas ko na ang tray sa tulong ng soldier, pumuwesto na ako sa kaliwang gilid ng kama, sa may head board banda. Doon ako sumand

