PAG-SAPIT ng oras ng tanghalian, doon na nag-sidatingan ang ninong Simon ni Devillion pati na rin si Jessie. Sabay-sabay kaming nag-luto ng kakainin namin at parang sasabog ang bahay sa sobrang ingay naming tatlo. Sobrang saya. Ang gaan-gaan sa pakiramdam na nag-sama ulit kaming lahat. Puro kuwentuhan at tawanan. Kinagabihan no’n, umuwi na silang dalawa kaya kami lang ni Devillion ang naghahapunan ngayon sa kusina. “Mama, may kumakatok.” Habang nakain, may narinig nga kaming kumakatok sa main door. Mukhang alam ko na kung sino ‘tong dumating. “Sandali lang ‘nak, titingnan ko.” Um-oo ang anak ko kaya tumayo na ako sa pagkakaupo at lumakad paalis ng kusina. Tinungo ko ang naka-saradong pinto. Kumapit sa bilog na door knob at binuksan. “Good evening.” Bumungad sa ‘kin ang presens’ya ni

