DEVILLAINE UNTI-UNTING nagising ang aking diwa na’ng may nalanghap akong amoy na pinakaayaw ko. Usok ng sigarilyo. Hindi ko muna sinubukang imulat ang aking mga mata. Kumunot pa ang noo habang pasalin-salin ng direksyon ang ulo ko para hindi ko na maamoy ang mabahong usok na ‘yon na umaalingasaw at pumapasok sa dalawang butas ng aking ilong. “K-Kuya… lumabas nga kayo…” inaantok kong sambit. “Wake up, Devillaine.” Natigilan ako na’ng um-echo sa aking mga tainga ang malalim ngumit malumanay na tinig na ‘yon. Na’ng ma-realize kong si Gideo, awtomatikong bumalik sa isipan ko ang mga kaganapan kagabi. Doon napa-mulat ang mga mata kong tila lumitaw pa ang maliliit na kulay pulang ugat. I felt a heavy presence on the bed. Chandelier ang una kong nasilayan ngayong umaga. Napagtanto kong

