“Nabubuang ka na ba? Tayo? Lilipat sa ibang cuidad?” seryosong tanong ko sa kan’ya. Kaagad n’ya akong tinanguan ng dalawang beses. “Ang komplikado naman ng naisip mong paraan—“ “Ano sa tingin mo ang mas kumplikado? Hindi ka na makapagtrabaho o sasama ka sa ‘kin?” Umurong saglit ang dila ko sa tanong n’ya. “Ay, may isa pa pala. May posibilidad na maging asawa ka na lang ng Hiro na ‘yon. Gusto mo ba?” Mabilis ko naman s’yang inilingan. “Oh, hindi naman pala. Kaya nga ako pumunta rito para pag-usapan natin ‘to. Actually, ako sana ang magpapaalam na aalis sa malayo kaso nga, nabalitaan ko itong issue kaya naisipan ko na lang na isama kayo kaysa naman… mas lalo ka pang malalagay sa alanganin na’ng dahil sa Hiro na ‘yan.” Hindi ko muna s’ya sinagot dahil nagiisip ako. “Wala kang dapat ipag

