DEVILLAINE ROMO FIACRA UM-ECHO sa magkabila kong mga tainga ang mga salitang pinakawalan ng kan’yang bibig. Nanigas ang panga at ramdam na ramdam ko kung paano nangmanhid ang mukha ko. Dumaan ang ilang segundong hindi ako nakurap. “I am not mad at you so don’t worry and… please, gusto kong makita si Devillion—“ Hindi ko na hinayaang mapa-tapos ang kan’yang sinasabi dahil bahagya kong tinulak ang kan’yang dibdib. Doon s’ya napa-layo sa ‘kin at umatras ako ng dalawang beses. Huminga ako ng sunod-sunod habang napapalunok na lang ng mariin. Napansin s’ya agad kung gaano ako nabalisa. “R-Relax, I won’t hurt you.” May mas mahinahon pa pala ang boses n’ya dahil ngayon ko lang din narinig ang ganitong uri ng tono ng kan’yang pananalita. “I won’t kîll you. Wala akong papatayin. Hindi ako n

