DEVILLAINE ROMO FIACRA – A FEW MINUTES AGO NANLAMIG ako ng husto nang marinig namin ang mga pagbabanta ng hayup na Hiro. Nakikita kong nanginginig na ang mga labi ni Gideo at ramdam kong nagbabadyang sigawan si Hiro pero bago n’ya magawa iyon, tinakpan ko agad ang kan’yang mga labi gamit ang kanang palad ko. Napa-baling ang tingin n’ya sa ‘kin habang lisik na lisik ang kan’yang mga mata. Sinenyasan ko s’ya. Iniling ko ng mabilisan ang aking ulo dahil hindi puwedeng malaman ni Hiro na andito ang tatay ni Devillion! Inagaw ko ulit kay Gideo ang cellphone. Nangangatog ang kamay kong pinindot ang loud speak button sa screen. “Saan anak ko?!” “Listen to me, I will send the complete details of our location… hawak ko ang anak mo kaya’t ‘wag na ‘wag kang magsusumbong kahit kanino. Do you fuck

