INALIS ko ang aking pagkakatitig sa cream. I gave him a confused look. “Para ‘san ulit ‘to?” nagtatakang tanong ko at baka mali lang ako ng dinig. Napa-masahe s’ya sa sariling sintido habang humihinga ng malalim. “Do I have to answer that stupid question? Just take that shìt and disappear.” “Ang ibig kong sabihin, bakit mo ako binigyan ng ganito ngayong magkaaway tayo?” Sinentro ulit sa ‘kin ang naniningkit n’yang mga mata. "Ano nakain mo?” “Ibalik mo na nga lang ‘yan sa ‘kin. Ang dami mong sinasabi,” mariing usal n’ya. “Give me that!” bulyaw n’ya pa sa malakas na boses. Nakakatakot ang mukha ng matandang ‘to ‘pag nagagalit. Mukhang na-triger ulit ang inis n’ya. Nagtatanong lang naman ako ng maayos. “Ibato ko rin ba sa ‘yo?” I asked nicely. “Do as you please.” Maayos naman akong ma

