“Sino ‘yan?” tanong ni Jessie habang kinukunutan n’ya ako ng noo. Kahit hindi kasi naka-loud speak, rinig na rinig ang malakas na bulyaw ng head chef. Nginitian ko na lang ng hilaw si Jessie. “I WILL DEAL WITH YOU LATER!” Bago pa ako mapagsalita, pinatayan na ako ng tawag. Bahagya kong pinanguso ang aking bibig saka dahan-dahang pumakawala ng malalim na hininga. Binaba ko na ang braso ko habang kapit-kapit ang phone. “Who was that?” “Isa sa mga boss. Ang head chef,” mahinang tugon ko. “You should go now.” Tinanguan ko na lang si Jessie. Doon na ako umalis sa kusina. I took a quick shower. Diretso bihis kahit hindi pinatuyo at walang suklay-suklay ang buhok. I ended up combing my hair inside the taxi. Napapangiti na lang din ako ng mapakla sa taxi driver dahil napapansin kong sinusul

