PILIT na lang akong lumunok ng sariling laway habang napapangiti ng hilaw. “Salamat, kanina pa ako nagaantay.” Humakbang pa sila papasok dito sa loob. Pinaupo ako sa isang upuan kaharap ang mesa kung saan ako kumain kanina. May pumasok pa na dalawang babae, dala-dala nila ang isang balde ng tubig at malinis na pamunas. Nilapag nila ang mga iyon sa ibabaw itong mesa at kabilang na ang basket na bibit ng matandang lalake. “Ineng, tatanggalin ko na ang bendang naka-balot sa sugat mo ha?” Nag-paalam na sa ‘kin ang matanda. Pumuwesto s’ya rito sa tabi ko. Doon ko naman inangat ang aking kaliwang braso at sinimulan na n’yang tanggalin ang bandage. Nasa harapan ko ulit ang boss. Naka-titig sa ‘kin. “Napagalaman kong naka-usap mo ang dalawa kong alipin.” Kalmado ko s’yang binalingan ng tingin

