Nakakulong lang kami. Kapag may pagkakataon si Cathaline ay nagtutungo ito sa silid namin ni Thaddeus. Ayaw ko na rin s'ya tawaging Agassi after kong marinig ang side story nito. Nasasaktan din ako para rito. Nabangit n'ya sa akin na naghahanda lang ang mga taong tutulong sa amin, tiyak na ligtas kaming makakauwi kapag dumating na sila. "Thad, ang sabi mo nagtago ang tatay-tatayan mo. Opportunity na rin ito para mahuli s'ya, 'di ba sabi ni Cathaline ay pupunta rito si William Apolinario?" "Yes. Maraming kaso ang naghihintay sa kanya, Farrah. Pero sa tingin ko'y hindi pahuhuli ng buhay si William. Masyado silang lulong sa kapangyarihan. Nanahimik nga sila noon at hindi gaanong nakialam sa buhay ng mga Zimmer, but still hindi pa rin nawawala iyong kasalanan na nagawa nila. Ang auntie ko

