Kasalukuyan nagkakagulo pa rin sa Isla. Hindi pa raw nakuha iyong dalawang kalbo na tumulong para magkaroon ng communication kami sa pamilya ko. Saka may isa pang tao na s'yang informant talaga nila Dad sa grupo. Nakatulog na si Farrah sa isang silid sa yate. Habang ako naman, pagkatapos kong magpalit ay agad tinungo ang ama at kapatid na kumukuha pa rin ng impormasyon sa Isla. "Anong balita kay William Apolinario?" tanong ko agad na sinamahan ang mga ito sa couch. Inabutan kong seryoso si Dad at Dale na nakaupo roon. "Base sa informant ay pabalik na ang taong iyon. Nakaabang na sila oras na dumating si William at ang mga tao n'ya." "Ang mga tauhan natin sa isla?" nabahalang ani ko rito. "Hinihintay ang pagbabalik n'ya. Mahuli man o patay, tatapusin na nila sa Isla ang lahat."

