Lihim ang pagtungo namin sa clinic para magpa-check up. May mga bodyguard pa rin kami na nauunawaan ko naman kung bakit nakabuntot pa rin. Wala na si William pero kasalukuyan namang trinatrabaho ng ama ni Thaddeus ang mga kaibigan ni William na s'yang tiyak nilang magpapatuloy ng illegal business. Ang mga tauhan ni Thaddeus na nakabuntot ay maayos na kinausap ng lalaki na kailangan ilihim ang tungkol sa check up na ito. "Gusto ko ng ice cream." Kasasakay pa lang namin sa backseat nang sabihin ko iyon. "Kakain ka muna ng lunch." Istrikto rin talaga itong mokong na ito. Bahagya pa nitong pinisil ang baba ko. "Saan tayo, Sir?" tanong ng driver. "Sa Dambong St. tayo." Tugon nito sa driver. Umusad na ang sasakyan. Nangako kami kay Mama na pupunta roon, para roon mananghalian. Tiyak k

