Inabot ang imbestigasyon ng mahigit isang taon ngunit walang bakas ng katawan o kahit anino ni Sweetie ang nakita kung saan nag-crash ang jet na sinakyan niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang lahat sa sinapit ni Sweetie dahil sa pangalawang pagkakataon ay pumalpak na naman sila sa pagprotekta sa kanya. Dahil sa pagsisisi ay halos hindi rin natahimik ang buong barkada kaya naisipan na lamang nilang magkanya-kanya muna ng buhay. Ang mas madalas na lamang magkita ngayon ay sina Bid at Ace. “Wala ka pa rin bang balita kay Gray?” tanong ni Bid kay Ace habang nasa minibar ang mga ito. “Halos ilang buwan na rin, bro. Nabusy na rin yung dalawang magkapatid. Tinatanggihan ako ni Lui ngayon na lumabas,” medyo dismayadong wika ni Ace. As usual umiinom na naman ito ng beer in can.