Rafe Sh*t! Of all days na dadating ang asawa ko ay ang araw pa na sumulpot si Sonia. Hindi lang yun, nagulat ako ng manghalik sya. She's everywhere I go. Sa grocery store ay bigla na lang syang sumulpot, nakita kami nina Anne. Kung punyal ang mata ng asawa ni Jerry ay bumulagta na si Sonia at duguan. My friends loyalty lies with Shelly malayo o malapit man. Lalo ngayon na kasal na kami. Sonia wanted to talk about investment kaya nya ako pinuntahan sa hotel kanina. At para makaiwas akong pag usapan ay sa lounge ko na lang sya tinagpo at least madaming tao. Kung bakit naman sa lahat ng araw, ngayon ako napiling isurpresa ni Shelly. Hindi ko tuloy alam ang ikakatwiran ko. Tapos noong isang araw pa ako nababagabag sa naiisip ko. I called Shelly last Friday at ang nakasagot ay si Bernard.