Rafe She was right. It was awkward earlier but I am glad we are out in the open. Whatever comes our way, we will face it head on. "Nay! Tay! Nandito na po kami." narinig kong sabi ni Shelly pagdating namin sa kanila. "O, nandito na pala kayo. Magpapahain na ako." sabi ni Nanay. Kami ni Tatay, Ross at Kuya Rob ay nanatili dito sa terrace. Inabutan nila ako ng beer. Si Tatay umiinom rin pero isa lang. "Kumusta ang bagong kasal?" tanong ni Kuya. "Ayos naman Kuya. Hindi pa namin napaplano ang sunod na kasal namin." Binalingan ko si Tatay. "Tay, baka po next week kami pumunta nina Mommy dito para mapag usapan po ang malaking kasalan." "Aba ay oo naman. Kumusta na pala ang Mommy mo? Maayos na ba ang pakiramdam nya? Kung gusto mo naman ay kami na lang ang pupunta sa inyo ayos lang sa amin