"Nasaan ka? May kailangan tayong pag-usapan." Iyon ang text ni pogi sa akin. Pabalik na kami sa siyudad. Naisama na namin si Creska at dinala sa safe house. Kampanti kaming hindi ito tatakas doon. Mas maayos naman tiyak ang buhay nito roon, kailangan lang nitong magtiis nang kaunti pa. Dahil malakas naman ang kutob kong matatapos na namin ang problema. "Hatid mo ako rito." Ipinakita ko kay Claudia ang address na sinabi ni pogi. Condominium iyon, may numero pa nga ng unit pati ang code. Tumango lang naman si Claudia at inihatid nga n'ya ako. Pagdating ko sa condominium na pag-aari ni Kuya Landon ay hinanapan pa ako ng ID. In-check sa guest list nila, saka ako pinapasok. Floor 35 si pogi. Kaya pagsakay ko ng elevator ay pinindot ko agad ang numero. Miss na naman n'ya siguro ako. Paghak