"Ipinahatid ko na kay Hendrix ang turon." Iyon ang nabasa kong mensahe mula sa email na galing kay Miss Agatha. Papagabi na, biyernes na naman. Araw ito na bisitahin ang asawa ko. Hindi ko napigil ang saya ko. May kasama pa kasing video iyon na patunay na ito nga talaga ang naghanda ng toron. Damn! Iniligtas ako ni Miss Agatha Lorraine sa delubyong kahaharapin ko sana pagdating ko sa asawa ko. "Dude, aalis ka na naman?" takang tanong ni L.A sa akin nang makasalubong ko ang sasakyan nito. Narito lang kami sa loob ng The Alpha's Town. Tiyak na sa ilang buwang lumipas ay takang-taka na ang mga ito dahil palagi akong wala ng sabado at linggo. Pero mas gugustuhin kong idaos ang mga araw na iyon sa tabi ng buntis kong asawa. "Yes." "Saan ka ba talaga nagpupunta?" sa tinig nito'y bakas