"Nabusog ka?" tanong ko rito. Tumango naman ito pero nanghahaba ang nguso. Ang tanda-tanda na, pero pabebe pa rin ang isang ito. Masama yata ang loob na siya lang ang kumain nang inihanda n'yang pagkain. "Mabuti naman. Bukas nang umaga, iyong tira mo ang uulamin mo." "Baby?" "Oh, akala ko ba masarap? Eh 'di bukas ulamin mo ulit." "Fine. Iyong mga vitamins mo nga pala?" "Ayon sa ibabaw ng ref." Inginuso ko lang. Lumapit naman ito roon at kinuha iyon. Ito ang nagpainom sa akin ng gamot na 2 days ko nang ginagawa. Huhu! Parang gusto ko tuloy i-request na rito na lang muna siya. Kaso hindi naman pwede. "Mec..." tumingin ito sa akin. Binabanlawan n'ya iyong basong pinag-inuman ko. Nang matapos ito'y pinunasan muna n'ya ang kamay bago tuluyang hinarap ako. "Yes?" "Kapag bumalik