Aalis kami ng Pilipinas na hindi kasama si Mec. Iyon ang akala ng lahat. Ang naghatid nga lang sa airport ay ang pamilya ni Ate Jas at Kuya L.A. May mga reporter pa na siyang gagawa ng ingay sa gagawin naming pag-alis ng bansa. Nang kumaway ako sa camera ay nakita ko pa sa kumpulan ng mga tao ang 'asawa' ko. Kahit mata lang nito ang kita dahil sa facemask at sumbrelo nito'y alam kong siya iyon. Nang pumasok kami nang tuluyan sa loob ay hindi ko napigil ang ngiti ko. "Mommy, ingat kayo roon." "Ikaw talagang bata ka. Pabago-bago ka ng desisyon. Magpakabait ka kay Lady A. Mananatili kami sa America at hihintayin ang anak mo roon." "Opo. Hindi ko po kasi kayang tuluyang iwan si pogi, Mommy. Hindi ko akalain na magmamahal ako ng ganito sa edad kong ito." "Sige na. Puntahan mo na sil