"Ingat." Bulong ni Mec habang nakaalalay siya sa pagbaba ko. Pwede namang lundagin ko na lang, pero baka bumigay na ang lalaki sa sobrang stress n'ya sa akin. Hindi ko alam kung paano nito napapayag na umuwi muna ako sa bahay ni Pogi. Pero heto na, narito na kami nito sa mansion sa The Alpha's Town. Sumalubong si Ate Romie at Ate Carmelita sa amin. "Mabute at buhay ka pa, ma'am." Bungad ng babae. "Ayusin mo ang tabas ng dila mo, Romie." Saway rito ni pogi. Gigil agad ang person. Inilabas tuloy ni Ate Romie ang dila n'ya, saka hinilot-hilot. Dugyot din ang isang ito. "Mace..." naluluha-luhang ani ni Ate Carmelita. Ngayon ko na lang ulit ito nakita. "Bakit ngayon lang kita ulit nakita? Nagpapatakbo ka na ba ng hospital? Hindi ba't graduate ka na ng hospital management?" "Ikaw tal