Nang umakyat ako ng entablado ay si Macario ang kasama ko. Ito na yata ang pinaka-proud dahil nakapagtapos ako nang pag-aaral. Mahirap pagsabayanin ang pag-aaral at pagiging asawa at ina. Pero dahil kay Mec, hindi iyon naging impossible. Sa umaga ay may pasok ako, hanggang hapon iyon. Kaya sobrang pagod na ako kapag umuuwi ng bahay, pero dahil iyong mga tao sa paligid ko ay supportive, hindi naging mahirap na malampasan ko ang mga challenges na kinaharap ko. Kapag nga'y hindi ko na kinakaya ang dami nang ginagawa sa school ay to the rescue ang pogi kong asawa. Ngayong graduate na ako, balak kong tulungan ang parents ko sa negosyo namin. Pero hindi ko naman nakakalimutan ang sarili kong plano sa family namin ni Mec. Nang mag-3 years old si Macang, itinigil ko na ang pag-take ng contra