"Psst Pierce. Gising ka pa?" Hindi gumalaw ang lalake sa pagkakahiga sa sahig na nilatagan ng karton, kutson, at blanket. Nakahiga ito patalikod sa akin at nakakumot hanggang sa ulo. "Alam kong gising ka pa. 56 seconds ka pa lang na nakahiga d'yan. Binilang ko." Umusod ako sa gilid ng katre at sinundot ang tagiliran nito gamit ang paa ko. Napabalikwas naman ito ng bangon at tiningnan ako nang masama. Nginisihan ko naman siya at inayos ang kumot sa katawan "Hindi ako makatulog." Bumalik ito sa pagkakahiga at nagbuntunghininga. "Wala akong pakialam kung hindi ka makatulog. Isinakripisyo ko na nga ang kama ko sa iyo tapos pati pagtulog ko ay kukunin mo pa sa akin? 'Wag kang mandamay, Xylc. Matulog ka na." "Hindi nga ako makatulog saka wala ka namang trabaho bukas 'di ba? Sabi mo kak