Lunes ng umaga ay natagpuan ko ang sarili na nasa harap ng opisina ni Pierce dala ang mga nilutong pagkain para sa tanghalian nito. Nagtanong-tanong ako sa mga may-asawa ng mga kaibigan kung paano sila bumabawi sa mga partner nila at ito na nga ang naging payo nila sa akin. “Bisitahin mo sa office tapos dalhan mo ng pagkain,” sabi ni Pariah nang tawagan ko siya. “Iyon lang? Sure ka bang gagana ito? Effective ba ito kay Owen?” tukoy ko sa asawa nito. “Naman! Kahit sardinas at noodles pa ang dalhin ko sa kaniya, inuubos niya.” “Eh kasi naman, patay na patay sa iyo iyang lalaki mo.” “Wow kung makapagsalita o! Parang hindi hinabol-habol ni piercing eyes!” Sunod ko namang tinawagan si Myca para humingi ng tips. “After you visit him in the office to feed and fatten him, give him a blowj