40

1531 Words

Kaarawan ng ina ni Pierce kaya naman obligado akong magpunta. Ilang beses akong tinawagan ng mama nito para sabihin na 'wag ko raw kalimutan ang okasyon. Nang malaman nga nito na pansamantala kaming nanunuluyan sa bahay ni Pierce ay nagpahaging ito na sana ay hindi na kami umalis. Mula nang puntahan niya ako noon para sabihin ang buong katotohanan at humingi ng tawad ay naging maayos naman ang relasyon naming dalawa. Kahit noong kasal pa kami ni Nick ay tinatawagan pa rin niya ako para kamustahin. Sa pangkalahatan ay naging magka-vibes kami nito pero alam kong mas lamang ang pagmamahal nito kay Wyn na light of her life daw. Ang galing mambola ni Wyn kaya sold na sold ang lola. "Happy birthday, Meemaw!" Sinalubong ni Wyn ng mahigpit na yakap si Minerva sabay bigay ng paper bag na regal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD