Mula sa kung saan ay may naglagay ng jacket sa likod ko at payakap akong itinayo mula sa pagkakaupo ko sa kalsada. Nagpaubaya ako rito at humagulhol sa mga bisig ni Pierce. "Stop crying. It's okay," anas nito habang hinahagod ang likod ko. "Iuuwi na kita." Bumitiw ako sa yakap nito pero hindi niya ako hinayaang makalayo agad. "Hindi ko pala kaya. H-hindi ko kayang ibenta ang sarili ko, Pierce. Oo, may kalandian akong taglay pero hindi ko pala kayang ibenta ang katawan ko," umiiyak ko na wika. "Masama ba akong anak kasi hindi ko kayang magsakripisyo para sa pamilya ko? P-Pero ginawa ko naman ang lahat. Handa akong gawin ang lahat basta 'wag lang 'to. 'Wag lang 'tong ganito kasi hindi ko talaga kaya." Muli niya akong ikinulong sa yakap nito. "Alam namin. And you've done enough. 'Wag ka