Lumagapak ako sa sahig ng opisina ni Jesse matapos tanggapin ang malakas na suntok ni Barbie sa mukha ko. "Gago ka Pierce! Gago ka sa lahat ng mga gago!" Hinihingal at nakakuyom ang mga kamao na sinugod niya ako uli at tinadyakan sa hita. "Hanggang kailan mo ba balak na saktan iyang kaibigan ko? Hanggang kailan mo ba siya paiiyakin ha?!" Hindi ako sumagot. Balewalang bumangon lang ako at inayos ang suot. Ngayon ang alis namin pabalik sa US at dumaan lang ako sa kompanya nila Jesse para magpaalam. Ilang saglit pa nga lang kaming naiwan ni Barbie sa office ng kaibigan pero agad na niya akong binirahan. Pinahid ko ang dugo sa gilid ng labi at nagkibit-balikat. "Hindi na mangyayari iyan kahit kailan pa, Barbie. Aalis na kami papunta sa US at wala na akong balak pa na bumalik rito. I'm sorr