Sa katahimikan ng gabi ay lumabas ako para tawagan ang kaibigan. “Pearl, ano iyong offer na sinasabi mo?” bungad ko agad. “Ikaw na babae ka, kapag ako niloko mo pa sa pangalawang pagkakataon may kalalagyan ka talaga sa akin. Oo, may nag-offer.” “Hindi nga sabi ‘tsaka kung makapagsalita ka naman, parang hindi ka naman nabayaran noon. Ano na, may investor ba talagang gustong bilhin ang mga apartments at ang formula ng product ko?” “Oo! Dalawang businessman. I-a-arrange ko na ba ang meeting ninyo?” Animo nabunutan ako ng tinik. “Oo naman. Salamat talaga, Pearl ha. Sigurado na ang bonus mo dito. Paki-schedule na lang ang meeting ha.” “Okay. Itatanong ko kung okay ba this Friday. Wala ka bang lakad sa araw na ‘yan?” Naalala ko ang imbitasyon ni Pierce na mag-dinner kami sa labas dahil m