Chapter 24

2107 Words

Hindi ko na halos matandaan kung paano kaagad ako nakarating sa ospital. Ni hindi ko na nga maalala kung nakapag-bra ba ako basta ang alam ko lang ay nanginginig na pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa public ospital. Pagdating ko roon ay halos kakaasikaso lang kay Pierce at nang makita ko siyang walang malay, duguan, at nakatubo ay doon pa tumulo ang luha ko. Nasa hallway lang si Pierce dahil sa dami ng mga na-admit na pasyente. Malala ang lagay nito. Ayon sa mga nakausap kong kapitbahay na sinamahan ako sa ospital ay parang himala na raw na hindi nagkalasog-lasog ang katawan nito. Mukha raw kasing tulala si Pierce habang tumatawid kaya hindi agad nito naiwasan ang truck na ilang ulit na raw bumusina. "Kaano-ano mo ang pasyente? Kapatid?" tanong ng doktor sa akin nang hanapin ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD