Pagkatapos ni Pierce na ibaba si Marga sa tapat ng office nito ay pinasibad nito agad ang kotse palayo. Ayaw ko mang pagdaanan pero alam ko ng komprontasyon ang kasunod nito. “Sa bahay na. Nasa kina mama si Wyn. Maya pang gabi siya isosoli sa akin,” untag ko sa katahimikan. Wala akong narinig na kahit ano mang tunog mula rito kaya hinintay ko na lang na makarating kami ng bahay. Pagpasok ko pa lang ay hinawakan na ako ni Pierce sa kamay matapos isara ang main door at inakay patungo sa silid sa taas. Naupo ako sa kama at sinalubong ang mata nito. “Magsalita ka na. Alam kong kanina mo pa ako gustong tanungin. Kanina ka pa may gustong sabihin,” mahinang sabi ko nang hindi pa rin ito tumitinag sa pagkakatayo sa tapat ng nakasaradong pinto. Inihilamos nito ang mga kamay sa mukha. Halata