Two years later... "Hoy na babae ka!" Hinarangan ko ang demonyitang nagkatawang-tao sa pagpasok nito sa gate ng bahay nito. "Ano itong naririnig ko sa mga kapitbahay natin na ipinagkakalat mo na inaagaw ko raw iyang Amerikanong hilaw na asawa mo?! Hoy Grasya! Gumising ka nga! Hindi ako pumapatol sa may asawa!" Galit na tinapunan niya ako ng sulyap. "Hindi malabong mangyari na agawin mo ang asawa ko, Xylca! Diborsyada ka na sa asawa mong Amerikano kaya baka si Floyd naman ang susunod mong biktima. Balita dito sa subdivision na tirador ka ng mga afam!" Umusok ang lahat ng mga butas ko sa narinig. "Tanga! Annulled ako. Walang divorce dito sa Pilipinas. Aral-aral ka rin paminsan-minsan. Hindi iyong pinaiiral mo lang palagi iyang bibig mo. Tsaka, hinding-hindi ko susulutin 'yang asawa mo da