Present... SKYE Unti-unti akong nagmulat ng mga mata at mapait na napangiti nang mapanaginipan ko ang nakaraang iyon. And now that I remember it, mukhang tama nga si One. Wala siyang ipinangako. Ako lang itong nagpilit na mangako siya, pero wala siyang anumang ipinangako. Sinabi lang niya ay susubukan niyang bumalik at dumalaw, pero hindi siya nangakong gagawin niya iyon. He didn't promise me anything back then. I looked at the alarm clock on my bedside table. It was only seven in the morning. Kahit natatamad pa akong tumayo, pinilit ko ang sarili kong bumangon mula sa kama. It was Saturday kaya walang pasok sa trabaho. Nagpasya akong lumabas at maglakad-lakad sa subdivision para makapag-isip-isip. After my argument with One last night, I really need to cool down my head. Walang mangy