SKYE "Nagpapanggap kayo ni One sa ngayon, 'di ba? Kapag ba nagising na si Uno, tapos na rin ang pagpapanggap n'yo? Kalilimutan mo rin ba ang kung ano man ang namagitan sa inyong dalawa ni One?" Hanggang ngayon, parang nag-e-echo pa rin sa pandinig ko ang mga sinabi ni Lynn. At hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi niya. Kapag nagising na si Uno, ano na nga bang mangyayari? May next plan ba? Ititigil na nga ba namin ni One ang pagpapanggap? If that is the case, babalik din ba kami sa kung paano kami makitungo sa isa't-isa? At anong namagitan sa amin ni One ang kalilimutan ko gaya nang sinasabi ni Lynn? Ang lahat naman ng namamagitan sa amin ay purong pagpapanggap lang. Ang mga ipinapakita niya sa aking ngiti, sweetness, at pag-aalala, parte lang iyon ng pagpapanggap niya bilang Uno. Kap