SKYE For the first day of our team building, nag-stay lang kami sa villa at puro indoor activities ang ginawa. Nag-ihaw ng seafoods at isda ang mga lalaki habang kami namang mga babae ang nag-ayos ng ibang lulutuin sa kusina. Kinagabihan, nag-swimming kami sa indoor pool ng villa. At iyon ang unang pagkakataon na namangha at napanganga ang buong team pagkakita kay "Uno". Sa tuwing may team building kasi kami, naka-topless at swimming trunks lang siya. Lahat silang boys ay gano'n ang suot kaya laking pagtataka nila nang lumabas si "Uno" nang naka-rash guard. Naka-rash guard din ako. Actually, rash guard for couple ang suot namin. In courtesy of Lander Carredano. Sigurado raw kasing magtataka ang mga ka-team namin kung si One lang ang magra-rash guard kaya binilhan din nila ako. Same patt