9 years ago... SKYE "Anong plano n'yo sa monthsary?" bigla kong naitanong kay Ash. Nagyayang mag-inom si Lynn at nandito kami ngayong girls sa secret hideout niya. Hindi alam ng kakambal niya at ng ibang boys ang girls' night out na ito dahil paniguradong malalagot kaming lahat sa mga iyon kapag nalaman nilang may inuman session kami. Kasama rin kasi namin ngayon si Ash at ayaw papigil na uminom ng alak. Of course, 'yong mababang alcohol content lang ang ibinigay namin kay Ash. Inubos muna ni Ash ang laman ng wineglass niya bago kunot-noong tumingin sa akin. "What do you mean, Skye?" "Monthsary n'yo na ni One next week, 'di ba? Sosorpresahin mo ba siya? If you need any help, sabihan mo ako. Puwede kitang tulungan." Halatang natigilan si Ash. Nabaling din ang tingin ko kay Lynn at Hil