SKYE Habang nagmamaneho ako pauwi, hindi ko maiwasang mapaisip nang malalim. And I couldn't believe what I just discovered just now. Lander and Cliffer were the two out of four owners of the BOSS C&E. Ni hindi sumagi sa isip ko na pag-aari nila ang kumpanyang iyon. Iyon ba ang dahilan kung bakit hinayaan na lang ni Uno na itago ko ang mga music box mula kay Shadow? Dahil kay Cliffer? Dahil may connection si Cliffer sa taong nagpapadala ng music box sa akin, kinausap niya kaya si Uno tungkol doon? Naging contractual graphic designer si Cliff sa MG-Tech In kahit na may kumpanya ito gaya ng BOSS C&E. Iyon kaya ang naging agreement nila noon kaya ibinalik sa akin ni Uno ang music boxes na galing kay Shadow? Siguro kilala nina Lander at Cliffer si Shadow - no. I'm sure they know something