ALEA Nagising ako dahil sa lamig. Nilalamig ako. Hindi ko makita kung nasa'n ang remote ng aircon, nakapatay ang mga ilaw. Napahawak ako sa aking dibdib na maramdamang wala ni-isang saplot akong suot. Kinapa ko ang paligid ko at may naramdaman akong bulto. Inaaninag ko ang aking sarili pero madilim talaga. Hindi ko alam kung anong oras na, nakababa rin maging ang mga kurtina sa k'warto. Bababa sana ako para kumuha ng damit pero agad na dumagan sa akin ang braso ni Vicente kaya napahiga ulit ako. Naalala ko na. M-may nangyari sa aming dalawa. . . Sumiksik siya sa aking leeg kaya nararamdaman ko ngayon ang kanyang hininga na tumama sa akin. "W-where are you going?" He mumbled. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang kanyang mata na nakatingin din sa akin. "Kukuha ako ng damit. N