ALEA It's been two years and three months. Maraming nagbago. Sa akin, sa pamilya ko at sa mga nakapalibot sa akin. Hindi ko rin inaasahan na makakapagtapos ako sa ibang bansa. Sobrang hirap kasing mag-adjust doon, sa klima at sa mga taong nakapalibot sa akin, mga classmates ko. Ibang-iba sila rito, after ng class they're go in club, bar or unwind they're self. Hindi ko naman hilig ang mga iyon, so, umuuwi na lang agad ako sa dorm ko. Hindi ko nga alam kung paano ko kinaya ang tumira sa US, siguro dahil na rin kay Austin. Akala ko nga iiwan na niya ako roon at hindi papansinin pero everyday sabay kaming pumapasok. He's nice and... Kind. Kaya hindi talaga ako nahirapan mag-adapt doon dahil sa kanya. Nakatingin ako sa labas. Nandito kasi ako sa cafe, malapit sa office ng mga Carter.