MALALIM ang buntong hininga na hinugot at pinakawalan ni Lana sa sinabing iyon ng babaeng kaharap. At hangga't maaari, ayaw niyang mawala ang composure niya dahil dito. Tama ang maging mabait, pero sa pagkakataong ito, at sa tabas ng dila ng babaeng kausap niya, mukhang hindi nito kailangan ng kabaitan niya. "Alam kong narinig mo ako, hindi ka naman siguro bingi hindi ba?" ang mataray na tanong ni Rhyza. Noon isinandal ni Lana ang likuran niya sa sandalan ng kaniyang swivel chair. "Yeah, I heard you" ang kalmado niyang sabi saka nginitian ang babae. Agad na nalisik ang mga mata ni Rhyza at tila napipikon nitong pinalo ang kaniyang mesa saka siya dinuro. "Punyeta kang babae ka, hindi ako nakikipagbiruan sayo. Ang sabi ko, buntis ako at si Andrew ang ama!" anitong galit na galit siyang