HINDI maiwasan ni Lana ang hindi maapektuhan sa inasal na iyon ng kaibigan niya. Aware naman siya sa feelings nito para sa kanya. Pero hindi niya inasahan ang nakita niyang sakit na gumuhit sa mga mata nito kaninang tinitigan siya ni Marius. "May problema ka ba hija?" si Mama Cecille nang daluhan siya nito sa mesa kung saan siya tahimik na nagkakape. Napabuntong hininga si Lana saka tinipunan ng sulyap ang tiyahin. Pagkatapos ay itinaas ang mug ng kape saka humigop doon bago nagsalita. "Naguguluhan kasi ako Mama" aniyang nagbaba ng tingin para itago ang pamumuo ng kanyang mga luha. "Saan? Naguguluhan ka saan?" Napasinghot si Lana saka pinagsikapang kontrolin ang sariling emosyon. Alam niyang hindi makakatulong ang pagiging emosyonal niya sa ganitong mga pagkakataon. "Nandito kasi si M